Ngunit ikinadismaya naman ng marami ang pagtawag ng pangulo sa kanilang isla bilang isang ‘cesspool’ o tapunan ng basura.
Posible umanong ‘misinformed’ ang pangulo sa nature at lala ng problemang nararansan sa lugar.
Ikinabahala rin ng mga negosyante sa Boracay ang banta ng pangulo na ipapasara ang isla kung mananatili itong marumi.
Ayon sa mga negosyante, maraming manggagawa ang mawawalan ng ikabubuhay kung ipapasara ng pangulo ang Boracay.
Maging ang mga pamilya nila ay mawawalan rin ng mapagkakakitaan kung sakali.
Malugod namang tinanggap ng mga residente ang palugit ng pangulo.
Ayon sa ilan, ang panakot ng pangulo ay ang maghuhudyat para kumilos na ang lokal na pamahalaan upang solusyonan ang problema ng Boracay sa basura.
Ayon sa isang negosyante, hindi kasi sapat ang suporta ng pamahalaan sa Boracay kaya lumala ang problema sa basura ng lugar.
Ayon dito, mahigit 10 taon na ngunit hindi pa rin natatapos ang pagsasaayos ng drainage system ng isla.