2 miyembro ng NPA patay sa engkwentro sa Agusan del Sur

 

Natagpuan ang bangkay ng dalawang miyembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa Barangay Sta. Emelia, Veruela sa Agusan del Sur matapos ang naganap na engkwentro sa 26th Infantrry Battalion ng Philippine Army.

Kinilala ang isa sa mga bangka na si Levy Amando Bangogan alyas ‘King’ na commander ng Samahang Yunit Pangpropaganda Platoon ng Guerilla Front 3, habang wala pang pagkakakilanlan ang bangkay ng isang babae.

Ayon kay 401st Infantry Brigade Commander Colonel Andres Centino, ang pag-iwan ng mga rebeldeng NPA sa kanilang mga kasamahan ay patunay na wala silang pakialam sa mga ito.

Dagdag pa ni Centino, bagaman ititnuturing na terorista ang mga NPA ay titiyakin pa rin ng militar na maibabalik sa kani-kanilang mga pamilya ang mga bangkay.

Aniya, isa itong patunay na nirerespeto ng Army ang karapatang pantao ang ang International Humanitarian Law.

Hinimok naman ni 4th Infantry Division Commander Major General Ronald Villanueva ang iba pang mga miyembro ng NPA na sumuko na lamang sa pamahalaan at sumailalim sa Comprehensive Integration Program ng gobyerno kung hindi nila gustong magaya sa kanilang mga nasawing kasamahan.

Read more...