1 patay, 12 sugatan sa knife attack sa loob ng mall sa China

 

Patay ang isang babae samantalang sugatan ang labindalawang iba pa sa insidente ng ‘knife attack’ sa isang mall sa Beijing, China.

Naganap ang panghahalihaw ng patalim ng hindi kinilalang suspek sa loob ng Joy City Mall sa Xidan Xicheng district, Linggo ng hapon.

Sa inisyal na impormasyon, bigla na lamang umanong naglabas ng patalim ang 35-anyos na suspek at biglang hinabol ng saksak ang lahat ng kanyang makita sa loob ng mall.

Bukod sa babaeng nasawi, nasugatan rin sa tama ng patalim ang tatlong lalake at siyam na babae na agad nadala sa pagamutan.

Nang madakip, agad na umamin ang salarin sa kanyang ginawa bagama’t hindi pa matukoy ang motibo nito sa pananaksak.

Read more...