Ateneo may isang panalo na sa UAAP women’s volleyball

 

Nakapagtala na ang Ateneo de Manila University Lady Eagles ng kanilang unang panalo matapos nitong talunin ang University of Santo Tomas Lady Tigers sa katatapos lamang na laban na ginanap sa Filoil Flying V Centre para s UAAP Season 80 women’s volleyball tournament.

Wagi ang Lady Eagles sa iskor na 16-25, 25-22, 25-22, 25-23.

Mula sa dating 0-2 ay 1-2 na ang win-loss record ngayon ng Lady Eagles, kagaya ng sa Lady Tigers.

Ayon kay Bea De Leon ng Ateneo, importante para sa kanila ang maiuwi ang panalo dahil sakaling natalo sila, ay 0-3 ang kanilang record na maglalagay sa kanila sa dulo ng kompetisyon.

Ayon naman kay Skipper Maddie Madayag, naging malaking bahagi ng kanilang pagkapanalo ang pagtitiwalang ibinigay nila sa bawat isang miyembro ng koponan.

Read more...