Bagyo lumakas pa, Signal No. 1 itinaas na sa apat na lugar sa Mindanao

 

Lumakas pa ang bagyo na binabantayan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Sa pinakahuling update ng weather bureau, mula sa isang tropical depression, itinaas na sa kategoryang tropical storm ang bagyo na papangalanang ‘Basyang’ sa oras na pumasok na ito sa PAR.

Sa huling pagtaya, namataan ang mata ng bagyo sa layong 1,035 kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na nasa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong nasa 80 kph.

Tinatahak ng bagyo na may international name na ‘Sanba’ ang direksyong west-northwest sa bilis na 27 kph.

Inaasahang papasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo mamayang gabi.

Dahil sa patuloy na paglapit ng bagyo, itinaas na ng PAGASA ang tropical cyclone warning signal sa Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur at Davao Oriental.

Read more...