Base sa datos mula sa Phivolcs, sinabayan pa ito ng lava fountaining na umabot naman ng halos kalahating kilometro.
Bunga ng dalawang aktibidad ng Mayon na naitala alas-3:48 lumikha ito ng dagundong sa lupa na narinig hanggang sa 10 kilometro ang layo.
Sinabi pa ng Philvolcs na sa magdamag walang tigil din ang pag- agos ng lava papunta sa Miisi at Bonga-Buyoan gullies.
Umabot din sa 108 volcanic quakes ang naitala sa nakalipas na 24 oras habang patuloy din ang pamamaga ng bulkan base sa isinagawang ground deformation survey, patunay na patuloy ang pag akyat ng magma sa bibig ng bulkan.
MOST READ
LATEST STORIES