Grupong Pro-Life, pinaiiwas ang publiko sa HIV/AIDS ngayong Valentine’s

Inquirer file photo

Umikot ngayong araw sa Luneta Park sa Maynila ang grupong Pro-Life Philippines para himukin ang publiko na lumayo sa banta ng human immunodeficiency virus at acquired immune deficiency syndrome (HIV/AIDS).

Sa kanilang pag-iikot, namigay ang grupo sa mga taong namamasyal ng mga candy na mayroong kalakip na mensahe tungkol sa pag-iwas sa HIV/AIDS.

Mayroon namang ibang mga leaflet kung saan nakasaad na dapat irespeto ang karapatan ng mga kababaihan.

Bukod pa dito, namahagi rin ng leaflet ang Pro-Life na dapat ay umiwas ang publiko sa pornography o mga malalaswang palabas at pelikula. Ayon pa sa grupo, dapat ay panatilihin ng publiko ang kanilang pananampalataya para lumayo sa tukso.

Ayon kay Anthony James Perez ng Pro-Life, layunin nila na makatulong sa maliit na paraan sa lumalaking bilang ng mga nagkakasakit ng HIV/AIDS at paglobo ng unwanted pregnancy sa Pilipinas.

Sa datos ng Department of Health (DOH) noong 2016, nasa 10,500 na mga Pilipino na ang mayroong sakit na HIV.

Read more...