PCG, itinaas ang heigtened alert dahil sa Bagyong Basyang

Inquirer file photo

Inilagay na ng Philippine Coast Guard (PCG) sa heightened alert ang kanilang buong unit sa mga lugar na dadaanan ng Bagyong Basyang.

Ipinag-utos na rin ni PCG Commandant Rear Adminral Elson Hermogino sa mga district stations sa Visayas, Northern Mindanao at Palawan na paghandaan ang posibleng epekto ng kalamidad partikular sa maritime activities.

Kanya ring inatasan ang lahat ng PCG district commanders sa mga lugar na dadaanan ng weather disturbance na makipag-ugnayan sa kanilang mga respektibong Regional Disaster Risk Reduction and Management Council para sa rescue at mga kahalintulad na aktibidad.

Ipinaalala rin nito ang mahigpit na pagbabawal sa mga interisland vessels na maglayag sa mga lugar kung saan nakataas ang babala ng bagyo mula sa PAGASA.

Read more...