TRO ng SC sa Mamasapano case vs Ex-PNoy, iginagalang ng Malacañang

Ipinahayag ng Palasyo ng Malacañang na iginagalang nito ang pagpigil ng Korte Suprema sa paglilitis ng Sandiganbayan sa mga kasong kinakaharap ni dating Pangulong Benigno Aquino III kaugnay ng Mamasapano encounter na ikinasawi ng 44 na miyembro ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF).

Nakatakda sana ang pagbasa ng sakdal sa dating pangulo para sa kasong usurpation of authority at graft sa February 15.

Sa text message na ipinadala ni Presidential Spokesman Harry Roque, sinabi nito na inirerespeto ng Malacañang ang desisyon ng Kataas-taasang Hukuman.

“We respect that order of the SC, noting that prosecution of case is handled by the Special Prosecutor of the Office of the Ombudsman,” ani Roque.

Naglabas din ng temporaray restraining order ang SC kontra sa resolusyon ng Ombudsman na nagbabasura sa reklamong reckless imprudence resulting in multiple homicide laban kina Aquino, dating PNP Chief Alan Purisima at dating SAF Chief Getulio Napeñas Jr.

Read more...