Mga OFWs sa Kuwait na gustong umuwi sa Pilipinas susunduin ng Cebu Pacific

Inquirer file photo

Magpapadala ng eroplano ang Cebu Pacific para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Kuwait na nais nang bumalik sa Pilipinas.

Ayon sa Cebu Pacific, nakikipag-ugnayan na ito sa Department of Foreign Affairs at sa Philippine Embassy sa Kuwait para isaayos ito.

Ginawa ng Cebu Pacific ang hakbang matapos ipaghayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kakausapin niya ang mga local airlines sa bansa para sa pagpapabalik sa OFWs mula sa Kuwait.

Ito ay sa gitna ng mga naulat na pagkamatay ng ilang Pilipino doon.

Ayon sa DFA, nakatakdang umuwi sa bansa ang mahigit 800 undocumented OFWs mula Kuwait.

Nauna dito ay sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na sasagutin lahat ng pamahalaan ang gastusin ng mga Pinoy na Kuwait na gusto ng umuwi sa bansan.

Ito ay kasunod ng total deployment ban sa pagpapadala ng mga OFWs sa nasabing bansa.

Read more...