DOH pabor sa pagpasok ng 3rd party pathologists sa Dengvaxia probe

Bukas ang Department of Health (DOH) sa panukalang pagkakaroon ng dayuhang third party pathologist sa pagsusuri ng mga katawan ng mga nasawing bata na naturukan ng Dengvaxia.

Sa isang panayam, ipinahayag ni DOH Secretary Francisco Duque III na suportado niya ito dahil mahalagang matukoy kung ang sanhi ng mga insidente.

Matatandaang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na bukas siya sa pagkakaroon ng dayuhang third party pathologist matapos makipagpulong kina Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, Presidential Anti-Corruption Commission chairman Dante Jimenez, at Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta.

Hindi naman nakadalo sa naturang pagpupulong si Duque at nais niya munang linawin ang direktiba ng Pangulo.

Dagdag ng Kalihim, aalamin niya rin ang panukalang magkaroon ng isa pang hiwalay na mag-iimbestiga sa kontrobersyal na bakuna sa dengue.

Sinabi ni Duque na nakatakda siyang makipagpulong kay Duterte sa Lunes.

Read more...