Pilipinas hindi kakapusin sa bigas ayon sa Dept. of Agriculture

Inquirer file photo

Inulit ng Department of Agriculture ang kanilang panawagan sa publiko na huwag mag-panic dahil sapat ang suplay ng bigas sa bansa.

Ipinaliwanag ni Agriculture Sec. Manny Piñol na nagkaroon ng kakalangan sa suplay ng bigas sa National Food Authority (NFA) pero hindi nangangahulugan na apektado dito ang kabuuan ng suplay ng bigas sa merkado.

Sinisi rin ni Piñol ang mga maling report sa media na ang suplay ng bigas sa kabuuan ng bansa ang kinakapos sa kasalukuyan.

Noong nakalipas na taon ay umabot pa umano sa 19 million metric tons ang ani ng palay sa bansa na siyang pinaka-malaki sa ating kasaysayan.

Mayroon rin umanong buffer stock ng mga bigas sa mga commercial warehouses na tatagal ng 88 na araw.

Hindi umano dapat ipagkamali na ang suplay ng bigas ng bansa ay nakadepende lamang sa buffer stock ng NFA.

Read more...