Calatagan, Batangas, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang bayan ng Calatagan sa lalawigan ng Batangas.

Ayon sa PHIVOLCS tumama ang lindol sa 15 kilometers South ng Calatagan alas 3:54 ng hapon ng Biyernes.

May lalim na 103 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman ito nagdulot ng pinsala at hindi rin inaasahang magdudulot ng aftershock.

 

 

 

 

Read more...