30,000 sako ng NFA rice dumating na sa Bohol

Dumating na ang 30,000 sako ng NFA rice sa Tagbilaran port na galing sa depot ng National Food Authority (NFA) sa Cebu City.

Ayon kay NFA-Bohol manager Maria Fe Evasco na-delay ang rice shipment dahil sa port congestion at kawalan ng chartered vessel sa Cebu City.

Inaasahang makatutulong ang 30,000 na sakop ng bigas para sa kakulangan ng stock ng NFA rice sa Bohol.

Ito na ang huling stock ng NFA rice sa Bohol bago dumating ang mga bagong angkat na bigas.

Ani Evasco, kulang pa rin ang mga dumating na bigas at hindi pa sasapat para sa pangangailangan sa relief operations.

Sa February 12 sisimulan na NFA-Bohol ang mamahagi ng NFA rice sa mga retailers pero sa limitadong dami lamang.

 

 

 

 

Read more...