WATCH: Lalaki patay matapos pagsasaksakin sa loob ng kaniyang bahay sa Quezon City

Kuha ni Justinne Punsalang

Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong walang habas na pagsasaksakin sa loob mismo ng kanyang tinitirhan sa Marcos Compound sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City.

Kinilala ang biktimang si Norberto Ramota, 58 taong gulang at isang truck driver.

Kwento ng mga residente sa lugar, nag-iinuman lamang si Ramota at suspek na si Raul Palangan nang marinig nilang humihingi ng saklolo ang biktima. Sinisigaw umano nito na sinasaksak siya.

Narito ang ulat ni Justinne Punsalang:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...