Tiniyak ni Año na mapapatawan ng parusa ang mga pulis dahil sa dereliction of duty, conduct unbecoming at iba pang mga kasong administratibo.
Ang mga pulis na tinutukoy ni Año ay ang mga naaktuhan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde sa isinasagawa nitong pag-iikot sa gabi sa mga istasyon ng pulisya.
Sinabi ni Año na hindi karapat-dapat ang nasabing mga pulis sa tinanggap nilang malaking dagdag-sweldo dahil sa kanilang ipinakita ay maituturing silang kahihiyahan sa hanay ng pambansang pulisya.
Ngayong malaki na aniya ang sweldo ng mga pulis, walang kahit na anong dahilan para sila ay maging tamad o maging tiwali.