Sa panayam ng Radyo Inquirer kay DSWD Sec. Emmanuel Leyco, bagaman karamihan talaga sa bigas na kanilang ibinibigay sa mga biktima ng kalamidad ay NFA rice, maari namang bumili ng commercial rice kung kakailanganin.
Paliwanag ni Leyco, hindi naman limitado ang ahensya sa NFA rice at kung talagang kakapusin na o mauubusan sila ng suplay ng NFA rice ay maaring bumili ang DSWD ng commercial rice.
“Hindi naman tayo limitado sa NFA rice, kung wala talaga tayong NFA rice, pwede naman tayong bumili sa labas,” ani Leyco.
Sa ngayon patuloy ang disaster relief operations ng DSWD sa mga inilikas na pamilya sa Albay dahil sap ag-aalburuto ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Leyco, umabot na sa P32 million na halaga ng ayudad ang kanilang naipagkaloob sa mga evacuee sa Albay.
Kabilang dito ang mga pagkain at hygiene kits na kinakailangang ng evacuees.