LOOK: Ilang flights kanselado ngayong araw

Kanselado ang ilang biyahe ng eroplano ngayong araw ng Biyernes, February 9, 2018.

Ayon sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) kanselado ang biyahe ng Cebu Pacific na 5J 506 Manila – Tuguegarao at 5J 507 Tuguegarao – Manila.

Ito ay dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan sa bahagi ng Cagayan Valley.

Pinayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking ng flights o refund ng pamasahe.

 

 

 

 

 

 

Read more...