Ayon kay PAGASA weather specialist Aldczar Aurello, may tsansang lumakas pa ang LPA habang papalapit ng bansa dahil kasalukuyan itong nasa karagatan.
Una nang sinabi ng PAGASA na posibleng maging isang ganap na bagyo ang nasabing LPA at papangalanang ‘Basyang’.
Samantala, ang isa pang LPA na binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa ay huling namataan sa 410 kilometers East Northeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Malaki naman ang tsansa na malusaw ang nasabing LPA.
MOST READ
LATEST STORIES