Nagdesisyon si Labor Sec. Silvestre Bello III na dagdagan ng P30 milyon ang pondo para sa naturang programa, na nangangahulugan ng pag-doble sa naunang inilaang P30 milyon.
Layon ng programang ito na matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ang hanapbuhay dahil sa Mayon.
Sa ilalim kasi nito ay mabibigyan ng pansamantalang trabaho ang bawat kinatawan ng pamilya sa mga evacuation centers kung saan sasahod sila ng P290 araw-araw sa loob ng sampung araw.
Samantala, para naman sa mga overseas Filipino workers na ang pamilya ay apektado rin sa Albay, makatatanggap sila ng P3,000 mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), habang ang mga inactive na OFW naman ay mabibigyan ng P1,500.