2018 Pyeongchang Winter Olympics, magsisimula na ngayong araw

 

‘Let the games begin!’

Aarangkada na ngayong araw ang 2018 Winter Olympics na magaganap sa Pyeongchang, South Korea.

Isang magarbong opening ceremony ang gaganapin bilang senyales ng pagsisimula ng makasaysayang sports event.

Kabilang sa seremonya ang pagsisindi sa Olympic flame; pagpapakilala sa mga bansang kalahok sa pamamagitan ng flag parade at pagpapakita sa kultura at kasaysayan ng host country – ang South Korea.

Samantala, kahapon ay nagsagawa ng military parade sa Pyongyang ang North Korea bilang pagpapakita ng lakas nito sa pagbubukas ng Olympics sa South.

Makasaysayan ang Winter Olympics ngayong taon dahil sa paglalaro sa ilalim ng iisang flag ng North at South Korea na matagal nang may alitan.

Kalahok din ang Pilipinas sa naturang event na inirerepresenta nina Michael Martinez at Asa Miller sa kani-kanilang mga divisions sa February 16 hanggang 18.

Read more...