1 patay 3 sugatan sa pananaksak sa gitna ng church service sa Texas

 

Isa ang patay habang tatlo ang sugatan kabilang ang isang pastor matapos silang pagsasaksakin sa kasagsagan ng kanilang church service sa isang pribadong bahay sa Texas.

Ayon kay Corpus Christi Police Lt. Chris Hooper, nakilala ang isa sa mga biktima na isang 61-anyos na lalaki na nasawi dahil sa mga tinamong sugat.

Ang 54-anyos na pastor naman ng kongregasyong nakilala bilang ‘Kingdom Acts Ministries International’ ay kritikal ang kondisyon sa ngayon.

Tumanggi ang pulis na pangalanan ang mga biktima ngunit ayon sa medical examiner ng Nueces County, ang nasawi ay nakilalang si Frank Castillo.

Humigit-kumulang 20 miyembro ng kongregasyon ang nagtipon-tipon para sa kanilang church service ng isa sa mga miyembro nito ang naglabas ng kutsilyo at pinagsasaksak ang apat na biktima.

Nakilala ang suspek na si Marco Antonio Moreno, 28-anyos na agad namang sumuko sa kanyang mga ka-kongregasyon.

Hinihinala ng mga awtoridad na may kinahaharap na mental health issue ang suspek matapos mapag-alamang mayroon itong police record na may kinalaman sa alak at droga.

Kasalukuyang nakapiiit sa Nueces County jail ang suspek na nahaharap sa kasong murder at aggravated assault.

Read more...