Ayon sa NFA, go-signal na lamang ang hinihintay para sa nasabing uri ng paraan ng importasyon.
Iginiit ni NFA Information Officer Cynthia Suarez na mas madali ang G2G arrangement dahil mas mabilis ang nagiging pag-angkat ng bigas dahil nagaganap ang transakyon sa pagitan ng dalawang pamahalaan.
Hindi tulad ng government-to-private (G2P) scheme na mas matagal dahil bukod sa bidding process ay may mga requirements pang kailangang kumpletuhin dahil ito ay nakapailalim sa RA 9184 o ang Government Procurement Reform Act.
Ang G2G at G2P ang dalawang awtorisadong scheme ng gobyerno sa pag-aangkat ng bigas.
Ayon kay Suarez ang G2G ay kadalasang naproproseso na sa loob lamang ng 45 araw.
Sakaling mag-angkat ng bigas ang bansa sa ilalim ng G2P scheme ay maghihintay pa ang Pilipinas ng rice shipment hanggang Mayo.
Inaasahan naman ng NFA council na nasa 325,000 metric tons ng commercial rice ang inaasahang darating sa katapusan ng Pebrero.