Meralco, magtataas ng P1.08 kada kilowatthour

 

Higit piso ang idadagdag sa singil sa kada kilowatthour ng Manila Electric Company o Meralco sa kanilang mga consumers.

Ayon sa anunsyo ng Meralco, magkakaroon ng dagdag na P1.08 centavos per kilowatt ang makikita ng mga Pinoy sa kanilang matatanggap na billing.

Paliwanag ng Meralco, kinakailangan ang dagdag-singil dahil mataas rin ang kanilang nabibiling kuryente mula sa mga power plant at mga power supply companies.

Isa rin sa dahilan ng pagtaas sa singil sa kuryente ay ang paghina ng halaga ng piso kontra dolyar.

Bukod pa ito sa ipinataw na value-added tax sa transmission charge ng kuryente.

At upang hindi umano gaanong mabigla ang mga consumers, inihayag ni Meralco spokesman Joe Zaldarriaga na hahatiin sa dalawang tranche ang power rate increase.

Unang isasama sa February billing ang dagdag na P0.75 per kilowatthour samantalang sa Marso na itutuloy ang pagpapataw ng karagdagang P0.33 per kilowatthour na singil sa kuryente.

Read more...