Bilang pinuno ng consultative committee na nagsisiyasat sa mga draft ng Konstitusyon, pinawi ni Puno ang pangamba ng ilang mga sektor na maaring maglaban ang bagong Saligang Batas ng mga probisyon na pabor sa mga personal agenda ng ilang mambabatas.
Sa ngayon aniya, pawang mga ispekulasyon pa lang ang mga ito at kailangan pa nilang pagdiskusyunan ang disenyo at ilang partikular na probisyon ng Konstitusyon.
Nakatitiyak aniya siya na masasagot nila ang lahat ng mga pangambang ito kapag natapos nila ang kanilang pagsisiyasat.
Samantala, sinabi naman ni Puno na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang i-adopt ng Kongreso ang kanilang bersyon ng bagong Konstitusyon.
Naniniwala din si Puno na magkaroon ng pagkakasarinlan ang kanilang komite mula sa Kongreso, at na makagawa muna sila ng panukalang bagong Konstitusyon bago sila makipag-ugnayan sa mga mambabatas.