Aabot sa 700 daang miyembro ng grupong Kadamay ang lumusob sa punong tanggapan ng National Housing Authority (NHA) sa Quezon City. P
Galit ang nasabing grupo dahil sa umano’y akusasyon na kanilang ibinebenta o pinapaupahan ang mga bahay na ibinigay sa kanila ng pamahalaan.
Sinabi ni Kadamay National President Gloria Arellanona hindi totoo ang bintang laban sa kanila.
Nabigo naman na makapasok sa loob ng compound ng NHA ang grupo dahil nakaantabay na kaagad sa kanila ang mga riot police.
Sinabi pa ni Arellano na hindi na rin umano bumalik ang nais mangupahan sa mga pabahay na inukupahan ng mga miyembro ng Kadamay.
Pagtapos ng programa ng grupo mapayapang rin silang umalis papunta sa gusali ng Senado.
Tumanggi naman na magbigay ng pahayag ng pamunuan ng NHA.