Nagsagawa ng kilos-protesta ang ilang grupo ng kabataan sa tapat ng tanggapan ng Korte Suprema sa Maynila.
Ang pagkilos ay isinagawa bilang pagkondena sa desisyon ng Supreme Court na pagtibayin ang 1-year extension ng Martial Law sa Mindanao.
Sinunog ng mga militante mula sa Kalinaw Youth Network ang larawan ng sampung mahistrado ng korte suprema na pumabor sa nasabing kontrobersyal na desisyon.
Ayon kay Sophia Villarama, tagapagsalita ng grupo, ang desisyon ng SC ay patunay lamang na ‘rubberstamp’ ng Duterte administration ang judiciary.
Dagdag pa ni Villarama, kahit pa napakarami nang kaso ng human rights violations ang naitatala sa siyam na buwang pag-iral ng Martial Law sa Mindanao ay naging bulag ang Korte Suprema dito at pinayagan pa ring manaig ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na tinawag nilang ‘diktador’.
Hinimok rin ng grupo ang publiko na makiisa sa gaganaping pagkilos sa February 23, na kanilang tatawaging “National Day of Action Against Tyranny and Dictatorship”.