Mga sumukong babaeng rebelde pinangakuan ni Pangulong Duterte na ipapasyal sa Hong Kong

Gaya ng mga babaeng sundalo na nakipagbakbakan sa Maute group sa Marawi City, ipapasyal din ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hong Kong ang 48 babaeng rebelde na nagbalik loob sa pamahalaan.

Ayon sa pangulo, ito ay dahil sa mayroong muling imbitasyon sa kanya ang China na bunalik doon para pag-usapan ang isyu sa Benham o Philippine Rise.

Mula Hong Kong, sinabi ng pangulo na ipapasyal din niya ang mga babaeng rebelde sa China.

Paiwanag ng pangulo, nais niyang mulatin ang kamalayan ng mga komunista kung ano ang nangyari sa China mula sa pagiging komunista patungo sa kapitalistang bansa.

Pabiro pang pinayuhan ng pangulo ang mga hardcore na babaeng rebelde na magpaiwan na lamang sa Hong Kong o China at maging domestic helper doon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...