LOOK: Ilang domestic flights kanselado ngayong araw dahil sa sama ng panahon

Kanselado ngayong araw ang ilang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang flights ng Cebu Pacific na 5J 506 at 507 Manila – Tuguegarao – Manila.

Ito ay dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan sa Tuguegarao.

Ang mga apektadong pasahero ay maaring makipag-ugnayan sa airline company para sa refund ng pamasahe o rebooking ng flight.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...