Nawawalang Pinay sa lindol sa Taiwan, tinukoy na ng MECO

Pinangalanan na ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) ang Pinay na nawawala matapos ang magnitude 6.4 na lindol na tumama sa Hualien, Taiwan.

Ayon kay MECO Chairman Lito Banayo, ang 23 anyos na Overseas Filipino Worker (OFW) ay si Melody Albano de Castro na residente ng Ilocos.

Ani Banayo, naipaalam na sa pamilya ni De Castro ang kaniyang pagkawala.

Sa ngayon hindi pa tiyak ang MECO sa kondisyon ni De Castro dahil hindi pa rin ito natatagpuan.

Isa pang Pinoy ang naospital makaraang magtamo ng mga pasa dulot ng malakas na pagyanig pero nasa maayos na umano itong kondisyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...