LPA na nasa labas ng PAR, posibleng maging bagyo ayon sa PAGASA

Dalawang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay PAGASA weather specialist Shelly Ignacio, ang LPA na nasa loob ng bansa ay huling namataan sa 505 kilometers East ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Maliit ang tsansa na maging bagyo ang nasabing LPA.

Samantala, isa pang LPA ang binabantayan ng PAGASA na nasa labas pa ng bansa. Huli itong namataan sa 2,490 kilometers East ng Mindanao.

Ayon kay Ignacio, mataas ang tsansa na maging ganap na bagyo ang nasabing LPA kaya patuloy itong imomonitor ng weather bureau.

Sa sandaling pumasok ito sa bansa at maging isang ganap na bagyo ay papangalanan itong ‘Basyang’.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, tail-end ng cold front ang makakaapekto sa Eastern Visayas habang Northeast Monsoon naman ang umiiral sa buong Luzon kasama na ang Metro Manila.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...