Limang tren lang nai-deploy sa pagsisimula ng biyahe ng MRT ngayong umaga

Radyo Inquirer File Photo

Sa pagbubukas ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) ngayong Huwebes (Feb. 8) ng umaga, limang tren lang ang unang napabiyahe.

Sa abiso ng control center ng MRT, as of 5:00AM, lima lang ang tren na operational.

Pagsapit ng alas 6:00 ng umaga, nadagdagan ng isa at umabot na sa anim ang operational na MRT train.

Dahil dito, maagang nagdeploy ng P2P buses sa MRT North Avenue station.

Sa halip na alas 6:00 ng umaga na unang biyahe ng P2P bus, pasado alas 5:00 pa lang ng umaga ay mahigit isang dosenang bus na ang nasa bahagi ng North Avenue station sa EDSA

At bago mag-alas 6:00 ng umaga, napuno na ng pasahero at nakaalis na ang unang bus na magbababa sa Ortigas at Ayala.

Inaasahan naman na sa susunod na mga oras ay aabot sa 8 hanggang 9 na tren ng MRT ang mapapabiyahe sa maghapon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...