Presyo ng bigas, P6 hanggang P8 na ang itinaas dahil sa kapos na suplay ng NFA rice

Malaki na ang itinaas ng presyo ng commercial rice sa mga pamilihan dahil sa kakulangan sa suplay ng NFA rice.

Sa Trabajo Market sa Maynila, mula sa dating P37 na pinakamurang klase ng commercial rice, ngayon ay P40 hanggang P45 na ang presyo ng kada kilo.

Ang magandang klase ng commercial rice na dati ay P52 lang ang kada kilo ngayon ay nasa P60 hanggang P70 na.

Katwiran ng mga nagtitinda ng bigas, mataas ang demand ng commercial rice ngayon dahil sa kawalan ng suplay ng NFA rice.

Ang mga dati kasi anilang bumibili ng NFA rice, ngayon ay commercial rice na ang hinahanap.

At dahil sa nadagdagan ang mga bumibili ng commercial rice ay mabilis na ring nauubos ang kanilang suplay.

 

 

 

 

 

 

Read more...