Pinay caregiver, kabilang sa mga nawawala matapos ang Taiwan quake

Kabilang ang isang Pinay sa mga napaulat na nawawala matapos ang magnitude 6.4 na lindol na yumanig sa Taiwan noong Martes ng gabi.

Sa isang panayam ay sinabi ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman Angelito Banayo na ang naturang pinay ay nagtatrabaho bilang isang caregiver.

Nasa loob anya ng isa sa mga napinsalang buildings ang biktima nang mangyari ang pagyanig.

Gayunman, ayon kay Banayo, mayroon nang grupo mula sa MECO ang nasa lugar na pinangungunahan ni Philippine Labor Attache Cesar Chavez.

Sa ulat ng National Fire Agency ng Taiwan ay umabot nasa 256 ang nasugatan at anim ang nasawi.

Sa ngayon, wala pa namang napapaulat na may nasawing Filipino bunga ng pagyanig.

Read more...