Isinauli na sa gobyerno ni Philippine Long Distance Telephone Company President Manny Pangilinan ang Connectivity Unlimited Resource Entrerprise (CURE) frequencies na nakuha sa pamahalaan may ilang taon na ang nakararaan.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa kooperasyon na ibinigay ni Pangilinan.
Ginawa ni Pangilinan ang hakbang matapos magbanta ang pangulo na ang libro ng kumpanyang CURE na nakakuha ng libreng frequency mula sa gobyerno pero ibinenta sa PLDT na pagmamay-ari ni Pangilinan.
Una nang nagbanta ang pangulo na hindi niya sasantuhin ang mga kompanyang nagbabantang harangin na makapasok ang third player sa telecommunications company sa bansa.
Nauna nang sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Officer-in-Charge Eliseo Rio na kailangang mabigyan ng slots para sa LTE at 3G connectivity ang 3rd telco player na papasok sa bansa.
Ginamit ng Smart-PLDT ang CURE frequency nang ilunsad nila sa merkado ang RED Mobile ilang taon na ang nakalilipas.