Pagtaas ng inflation rate hindi dapat isisi sa TRAIN ayon sa Malacañang

Duda ang Malacañang na ang Tax Reform for Accelaration and Inclusion (Train) ang dahilan ng pagtataas ng inflation rate sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ngayong Enero lamang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang bagong batas kung kaya imposible na agad naibuhos at na naipataw ang lahat ng  buwis.

Maaring ang ang pagtaas ng presyo ng langis sa world market ang dahilan kung kaya tumaas ang inflation at hindi dahil sa bagong tax package.

Sinabi pa ni Roque na naipataw lang naman ang karagdagang buwis sa langis sa bagong supply at hindi sa lumang inventory na kauubos lamang.

Masyadong maaga pa aniya na magkaroon ng conclusion na ang Train Law ang dahilan ng pagtataas ng inflation rate sa Pilipinas.

Nauna na ring sinabi ng Department of Energy na pagpapaliwanagin nila ang mga oil companies sa halos ay lingguhang pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo.

Read more...