Malaking sweldo ibinida ng I.T expert ni Chief Justice Sereno

Photo: Erwin Aguilon

Humarap na sa pagdinig ng House Justice Committee ang I.T consultant ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na si Helen Macasaet na sumasahod ng P250,000 kada buwan.

Ipinagmalaki ni Macasaet sa kanyang testimonya na 35 taon siyang IT end user and sollution provider.

Idinetalye nito ang kanyang credentials kung saan kabilang sa kanyang pinaglingkuran ang Government Service and Insurance System (GSIS) at sumasahod siya noon ng P925,000 kada buwan o P10M bawa taon.

Ayon kay Macasaet nalutas niya ang pinakamalaking IT crisis ng bansa ito ang GSIS data base.

Bago pumasok bilang consultant ng Supreme Court si Macasaet ay nagingCEO siya ng isang IT company kung saan siya sumuweldo ng P3 Million kada taon at hindi pa kasama rito ang allowance sa kotse, gasolina at telepono.

Umalis lamang anya siya rito para sa kanyang trabaho sa Supreme Court.

Ipinagyabang pa ni Macasaet na maliit lamang ang P250,000 na sahod niya sa Korte Suprema at P80,000 lamang ang natitira dito na pambili lamang niya ng make up o kaya naman ay isang pares ng sapatos.

Read more...