Central Visayas Police binuhay ang ‘Task Group Ang Pangulo’ para sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa Cebu

Pinaghahandaan na ng Philippine National Police sa Central Visayas ang pagpunta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa cebu sa susunod na linggo.

Epektibo ngayong araw, binuhay ng Police Regional Office-7 ang ‘Task Group Ang Pangulo’ para matiyak ang ilalatag na seguridad sa pagdating doon ng pangulo sa February 12.

Ayon kay Chief Supt. Robert Quenery, regional director ng PNP-Central Visayas, ang task group ay pamumunuan ni Chief Supt. Dennis Agustin, na siyang Deputy Regional Director for Operations.

Una nang napaulat na sa nasabing petsa, makikipagkita si Pangulong Duterte sa mga lokal na opisyal sa Visayas.

Ganito rin ang gagawin ng pangulo sa mga lokal na opisyal sa Mindanao.

Inatasan na ng DILG ang lahat ng local chief executives kabilang ang mga gobernador at mga alkalde na dumalo sa ipatatawag na pulong ng pangulo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...