Ayon kay Esperon, mahalaga kasi na mapangalagaan ang mga sensitibong lugar na sakop ng karagatan ng Pilipinas.
Sinabi ni Esperon na magrere-organize muna ang gobyerno ng Pilipinas at magdadaga ng tauhan sa working group at mas maraming agencies ang makapagbusisi lalo na sa aspeto ng seguridad.
Nilinaw naman ni Esperon na wala namang kinatatakutan ang Pilipinas sa pagsasagawa ng research ng mga dayuhan kundi dapat lamang masiguro na nasusunod ang mga nakasaad sa United Nations Convention on the Law of the Sea.
Sinabi pa ni Esperon na sa bagong polisiya, kinakailangan na mayroon ng kasama ang mga dayuhan na Filipino scientist on-board at kinakailangan na ibahagi sa Pilipinas ang mga report at hindi isasagawa ang research sa mga lugar na sensitibo sa Pilipinas.