Pekeng tsunami alert kumalat sa U.S.

Nagdulot ng pag-aalala sa mga residente ang maling tsunami alert na naipadala sa mga residente sa East at Gulf Coasts at sa Carribbean sa Estados Unidos.

Ayon sa National Weather Service, nagsasagawa lamang ng ‘routine test message’ nang aksidenteng maipadala ang alerto sa mga smartphone user.

Base sa natanggap na mensahe ng mga residente, inaalerto sila sa posibleng pagtama ng tsunami.

Agad namang nakapagpadala ng mensahe ng paglilinaw at sinabing ang alerto ay bahagi ng pagsasagawa ng testing sa transmission times hinggil sa pagpapakalat ng tsunami information.

Ayon sa National Weather Service, ilang beses silang nagpadala ng mensahe para linawin na walang panganib ng tsunami kaya walang dapat na ipag-alala.

Iniimbestigahan na kung paanong naipadala ang alerto sa pamamagitan ng text message habang ginagawa ang testing.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...