‘Ang Panahon ng Halimaw’ ni Lav Diaz, pasok sa main showcase ng Berlin film festival

Napasama sa major film festival sa Berlin ang pelikulang ‘Ang Panahon ng Halimaw’ ni Lav Diaz.

Ngayong taon ang ika 68 taon na ng Berlin film festival at gaganapin ito mula Feb. 15 hanggang 25 kung saan nasa 24 na mga pelikula mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang magkakaroon ng screening.

Partikular na kasama ang pelikula ni Lav Diaz sa mahigit 20 pelikulang mapapanood para sa ‘Golden Bear top prize’ sa Feb. 25 at isa sa mga magsisilbing hurado ang German director na si Tom Tykwer.

Kabilang sa mga gumanap sa pelikula ni Lav sina Piolo Pascual, Shaina Magdayao, Pinky Amador, Bituin Escalante at maraming iba pa.

Kasama ng pelikula ni Lav Diaz sa main showcase ang mga pelikula mula Germany, Bulgaria, US, Russia, Switzerland, Italy, Norway, Britain, France, Poland at iba pa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...