DILG Sec. Mel Sarmiento, nanumpa na kay Pangulong Aquino

senen-sarmiento-600x450-e1389177894533Sumumpa na sa kanyang tungkulin bilang bagong Kalihim ng Department of the Interior and Local Government si Sec. Mel Sarmiento sa harap ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon.

Ang nasabing panunumpa ay sinaksihan ni Liberal Party standard bearer at dating DILG Secretary Mar Roxas at iba pang mga stalwarts ng partido tulad nina House Speaker Feliciano Belmonte Jr. at Department of Transportation and Communications Sec. Joseph Abaya.

Magugunita na si Sarmiento, na siya ring secretary-general ng LP ay itinalaga ni Pangulong Aquino sa nasabing posisyon matapos magbitiw sa pwesto si Roxas para tumakbo sa pagka-pangulo.

Sa kanyang talumpati, ipinangako ni Sarmiento na hindi niya hahayaan ang Philippine National Police at iba pang ahensya sa ilalim ng kaniyang kagawaran na masangkot sa pulitika, at ang pagpapatuloy ng modernisasyon ng mga ito.

Aniya, pananatilihin rin niya ang mataas na kalidad na serbisyo publiko ng kaniyang kagawaran na titiyak sa maayos at mapayapang halalan 2016.

Read more...