Pinay, wagi sa singing competition sa South Korea

Screen grab from KBS
Screen grab from KBS

Nagwagi ang isang 24-anyos na Pinay sa nationwide singing competition South Korea.

Naungusan ni Princess Kaite Corporal ang 19 pang mga contestant sa 2015 Global Village Singing Contest na inisponsoran ng Korea Broadcasting Corporation.

Ang paligsahan ay bukas para sa lahat ng mga dayuhan na namamalagi sa South Korea.

Todo pasasalamat naman si Corporal sa kanyang pagkapanalo.

Ayon kay Corporal, kanyang ibinabahagi ang pagkapanalo sa mga Overseas Filipino Workers sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa kanyang pagkapanalo, tinanggap ni Corporal ang premyong 2 milyon Korean Won at medalya.

Si Corporal ay nakarating sa Seoul, South Korea noong 2013 bunsod ng scholarship mula sa gobyerno ng naturang bansa.

Kasalukuyan itong kumukuha ng master’s degree in international development sa Hankuk University of Foreign Studies.

Read more...