Aabot sa mahigit 130 katao ang namatay sa sunud-sunod na airstrike na inilunsad ng kowalisyon na pinangungunahan ng Saudi Arabia sa isang wedding ceremony sa Yemen.
Ayon sa Saba News Agency, naganap ang pambobomba sa probinsya ng Taiz, sa southwestern Yemen na kontrolado ng mga Houthi.
Gayunman, mariing itinanggi ng ng coalition na nagsagawa sila ng operasyon sa naturang lugar.
Nagpahatid naman ng pakikiramay si United Nations Secretary General Ban Ki Moon sa mga nasawi.
Naniniwala si Secretary Ban na hindi malulutas ng mga military operation ang hidwaang nagaganap sa Yemen at magdudulot lamang ito ng mas matinding paghihirap sa mga sibilyan doon.
Ayon sa Health Ministry ng Yemen na kontrolado ng mga Houthi rebels, umaabot na sa apat na libong katao na ang namamatay dahil sa giyera sa bansa.