Pangulong Duterte, hindi papainsulto kaya hindi dadalo sa Asia-Europe Meet

 

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dahilan kung bakit ayaw niyang dumalo sa magaganap na 12th Asia-Europe Meeting sa Brussels, Belgium sa Oktubre.

Sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng ika-45 anibersaryo ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa Pasig, sinabi ng pangulo na ayaw niyang bigyan ng pagkakataon ang mga kritiko na insultuhin siya sa nasabing pagtititpon.

Ani Duterte, mismong si European Council President Donald Tusk ang nag-imbita sa kanya ngunit wala naman anya siyang dahilan upang tumungo doon dahil sa kakaibang pananaw ng mga ito sa kanya.

Kung sakaling nandoon anya siya at ininsulto lamang ay baka mamura niya lamang ang mga ito.

“If you see me that way, why change your assessment of my persona? What am I supposed to do there? Ask me question? You will insult me? I’ll just curse all of you there,” ani Duterte.

Ayon sa pangulo, hindi siya tulad ng ibang presidente na kayang diktahan ng organisasyon.

Nauna nang sinabi ni European Union (EU) Ambassador to the Philippines Franz Jessen na ang pagdalo ng pangulo sa summit ay paraan upang magkaroon ng positibong pananaw si Duterte sa regional bloc.

Read more...