Dalawang multi-mission off-shore vessels ng BFAR itatalaga para magbanta sa Benham Rise

Tutulong din ang Department of Agriculture (DA) sa pagbabantay sa Philippine Rise o Benham Rise.

Ito ay matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil sa lahat ng foreign groups o scientists na magsagawa ng pag-aaral sa nasabing lugar dahil pag-aari ito ng Pilipinas.

Ayon kay DA Sec. Manny Piñol, itatalaga ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang dalawa nitong bagong Multi-Mission Off-shore Vessels na BRP Lapu Lapu at BRP Francisco Dagohoy.

Ang dalawang barko ay tutulong para i-monitor ang posibleng presensya ng mga dayuhan sa Benham Rise.

Una nang sinabi ng pangulo na dahil ang Benham Rise ay pag-aari ng PIlipinas, tanging ang mga Pilipino lamang ang papayagan na magsagawa ng research sa lugar.

 

 

 

 

 

 

Read more...