Apat arestado sa buy-bust sa Lapu-Lapu City, Cebu

Arestado ang apat na katao kabilang ang kapatid ng isang konsehal sa magkahiwalay na buy-bust operations ng mga otoridad sa Lapu-Lapu City.

Kabilang sa nadakip si Victor Amores, 50 anyos sa loob ng kaniyang nirerentahang apartment sa Barangay Gun-ob. Kasama ring inaresto si Erwin Sullano na naaktuhang kasama ni Amores sa bahay.

Si Amores ay kapatid ni Lapu-Lapu City Councilor Rico Amores at isa sa mga high value target ng mga pulis sa lungsod.

Ayon kay Police Senior Inspector Genesis Aniversario, nakuha sa dalawa ang halos anim na gramo ng shabu at pera.

Samantala, sa hiwalay na operasyon, nadakip ng mga otoridad si Caba Caba Pepito, 29 anyos at Ernesto Melano, 40 anyos sa buy-bust operation sa Barangay Poblacion.

Nakuha naman sa dalawang suspek ang nasa P5,000 halaga ng shabu.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...