Mahigit 30 P2P buses nagsakay ng mga pasahero ng MRT

DOTr Photo

Nagsagawa ng inspeksyon ang iba’t ibang mga ahensya ng gobyerno sa isinasagawang ‘Alalay sa Mananakay’ campaign ng pamahalaan.

Tiniyak ng mga opisyal mula sa DOTR, MMDA at LTFRB na sapat ang bilang ng mga P2P buses.

Alas 6:00 pa lang ng umaga, mahaba na ang pila ng mga pasahero sa North Avenue Station na sasakay sa point-to-point buses hanggang sa Ortigas-Ayala.

Ayon kay Atty. Aileen Lizada, Board Member ng LTFRB at hepe ng I-ACT, aabot sa mahigit 30 bus ang kanilang idineploy upang isakay ang mga pasahero ngayong rush hour.

Ang 30 bus, kulang pa rin sa dami ng pasaherong pumila, kaya’t magdadagdag pa umano sila ng 20 bus hanggang mamayang 9:30.

Ayon kay Lizada, hindi kayang i-accomodate ng MRT-3 ang buhos ng mga pasahero sa ngayon dahil as of 8am, 8 tren lang ng MRT ang bumibiyahe.

15 pesos lamang ang pasahe sa P2P bus, at dire-diretso ang biyahe nito dahil may escort na haggad ang bawat bus.

Ayon pa kay Lizada, 40 to 50 mins lang ang haba ng biyahe mula dito sa North Ave hanggang Ayala, at inaabot naman ng isa’t kalahating oras bago makabalik muli ang bus sa North Avenue station.

Paliwanag ni Lizada, marami pa silang aayusin sa sistema ng point-to-point buses dahil pangatlong araw pa lamang naman umano itong isinasagawa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...