Pangulong Duterte, gumamit ng diplomatic initiative para tugunan ang kakapusan sa NFA rice

Tiniyak ng Malakanyang na tinutugunan na ng pamahalaan ang banta sa kakapusan ng suplay ng NFA rice sa bansa.

Katunayan ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ginamitan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ng diplomatic jniatives ang naturang problema.

Gayunman, inihayag ni Roque na wala siyang otorisasyon upang isiwalat kung anuman ang ginawang hakbang ng pangulo sa kakapusan ng NFA rice.

Ang kakapusan sa NFA rice sa bansa ay nakaapekto na rin sa presyo ng commercial rice.

Base sa mga ulat, tumaas na ng mahigit sa dalawang piso ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...