Inter Parliamentary Networks pwedeng gamitin para makuha ang suporta ng international community sa West PH Sea

Inquirer.Net

Ipinasisilip ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate sa kongreso ang militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Zarate, dapat na gamitin ng kongreso ang International Parliamentary Networks para kondenahin ang militarisasyon ng China sa bansa.

Maaari aniyang gamitin ng kamara ang Asian Parliamentary Association (AIPO) at Inter Parliamentary Union (IPU) bilang venue para makakuha ng suporta sa international community.

Tungkulin ng buong kongreso na busisiin ang report para mapatatag ang depensa ng bansa at mapangalagaan ang soberenya at territorial integrity ng Pilipinas.

Iginiit pa nito na dapat himukin ang ibang mga bansa na makiisa sa pagkondena sa China dahil posibleng sumunod sila sa mga ibu-bully ng China.

Ang ginagawang base militar ng China ay kabilang sa mayroong maritime dispute ang Pilipinas at nasabing bansa.

Ang pahayag ay ginawa ni Zarate kasunod ng lumabas na larawan sa Inquirer na halos patapos na ang mga imprastraktura na itinatayo ng China sa teritoryong sakop ng bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...